Sunday, August 28, 2011

Wikang Filipino: Tugon sa malinaw na programa sa tuwid na Landas



Ang bansang Pilipinas ay isa sa pinakacorrupt na bansa sa Asya. Sa katotohanang ito nakakaranas ng gutom at kahirapan ang mga mamamayang Pilipino.

Upang matugunan ang problemang ito naglunsad ang gobyerno ng mga programa at proyekto ngunit hindi lahat ay nagtagumpay dahil sa hindi ito naintindihan ng mga mamamayang Pilipino dahil wikang Ingles ang kadalasang ginagamit sa pagsulong nito na dapat sana ay wikang Filipino.

Ang bawat programa ng pamahalaan ay may katunbas na mabuting mithiin. Upang makamit ito kinakailangang maintindihan at maisapuso ang bawat mamamayan ng sa ganon maging positibo ang pakikilahok at pakikiisa sa pagtaguyod nito.

Sa pagtugon ng bawat tao sa proyekto at programa ng gobyerno nasisiguro na ang mithiin nito ay makakamit ng mamamayang Pilipino, at ako, bilang batang Pilipino, ay nakakasiguro na ang tuwid na landas na minimithi ng Administrasyong Aquino ay may mabuting maidudulot sa kinabukasan ko.

“Hangad ko ang tagumpay nating lahat, Mabuhay ang Mamamayang Pilipino!”

This is an entry to the Buwan ng Wika 2011 Blog Writing Contest sponsored by the Alabel National Science High School-SAKAFIL and The Teacher’s Notebook

Sunday, August 21, 2011

Wika ang Instrumento sa mga Patakarang Pangkaunlaran at Pangkatarungan


Ang wika ang siyang ginagamit upang makapagsabi ng mga opinyon at damdamin at makapagbigay ng mga impormasyon. Kung walang wikang pambansa, ang  mga tao ay hindi magkakaintindihan at hindi makapagpapalitan ng mga opinyon at damdamin. Kung walang wikang pambansa, wala ring komunikasyon at pagkatuto, at wala ring pagkakaisa ang mga tao.

Ang mga batas at patakaran ng bawat institusyon at lugar ay nagsisilbing gabay ng bawat Pilipino sa araw-araw nilang pamumuhay ng sa ganon maging maayos at matiwasay ang pamumuhay nito. Ngunit paano naman masusunod ang isang batas kung hindi mo ito naiintindihan?

Kaya nga mahalaga na ang mga batas at ordinansa ay nasusulat sa iisang wikang naiintindihan ng lahat upang makasunod ang lahat ng tao at maiwasan ang kaguluhan.


Ang Kaunlaran at Katarungan ay makakamit ng bawat mamamayan kung lahat ay nagtutulungan at nagkakaunawaan.

This is an entry to the Buwan ng Wika 2011 Blog Writing Contest sponsored by the Alabel National Science High School-SAKAFIL and The Teacher’s Notebook


Sunday, August 14, 2011

Wika sa Pagpapatupad ng Kaunlaran at Disiplina ng Bayan





“Pilipinas Ipinagmamalaki Kita , ng dahil sa Pambansang  Wika Tayo’y Nakikilala”


Ang wika ay sumasalamin sa ating pagka Pilipino, ito ang nakatali sa ating kultura at nagsasabi kung sino tayo.

Maituturing na hindi makabayan ang isang tao kung ikinahihiya niya ang sariling wika.  Ang bagay na ito ay dapat mapagliming mabuti ng mga kababayan natin na walang pagmamahal at pagpapahalaga sa sariling wika.

Sa kahalagahan at importansya ng Wikang Filipino, ipakita natin ang ating pagmamahal sa sariling wika bilang mamamayang Pilipino . Tungkulin natin ang pagtaguyod at paglaganap nito sa pamamagitan ng mabisang pag gamit nito sa ating pakikisalamuha sa ating kapwa tao. Isa alang-alang natin ang mabuting hatid nito sa pamumuhay ng tao sa kaunlarang dulot nito sa pang- ekonomiya, pangrelihiyon, pampulitika, pang-edukasyon at panlipunan. Hinuhubog nito ang ating pagkatao sa larangan ng edukasyon kung kaya naging matagumpay tayo at nagging kilala sa buong mundo.

Sa pangkalahatan ang wika ay nakatutulong sa pag-unlad ng isang bansa. Ito'y isang mabisang instrumento sa pambansang pagkaka- unawaan at pagkakaisa ng mga mamamayan kaya ang Wika ay itinuturing na isang kaluluwa at kayamanan ng ating bansa. 


Kaya ikaw Batang Pilipino, Gawin mo na ang Parte Mo, Wikang Filipino Gamitin Mo!

This is an entry to the Buwan ng Wika 2011 Blog Writing Contest sponsored by the Alabel National Science High School-SAKAFIL and The Teacher’s Notebook

Tuesday, August 2, 2011

Pagpapahalaga sa Pambansang Wika



Filipino, pambansang wika ng Pilipinas. Ang Filipino ay ginagamit karamihan sa mga rehiyon ng Luzon. Ang wikang Filipino ay magkapamilya ng lenggwaheng Awstronesyo.

Ngunit ang wikang Filipino ay unti – unti ng nawawala dahil ang ibang Pilipino ay kailangang pumunta sa ibang bansa upang magtrabaho at makakuha ng malaking pera para may makain at matutustusan ang pamilya na naiwan sa Pilipinas. Nawawala din ang wikang Filipino dahil ang ginagamit na salita ng ibang bansa ay wikang Ingles. Kailangan nilang mag praktis upang makihalubilo sa ibang tao na nakapalibot sa kanila at dahil dun ay unti – unti nilang nakalimutan ang Wikang Filipino.

Kaya ang ating gobyerno ay taon – taong nagpapadaos ng buwan ng wika upang masaksihan, mapreserba at para mabigyan ng halaga ang wika nating Filipino.

Kahit na nag – aaral tayo ng Ingles sa ating klase ay dapat parin nating matutuhan ang ating wika dahil ang ating wika ay sariling atin at walang pwedeng kumuha nito.

Lahat ng Pilipino ay may tungkulin. Dapat nating pagyamanim at mahalin ang ating wika sapagkat atin ang wikang ito.

This is an entry to the Buwan ng Wika 2011 Blog Writing Contest sponsored by the Alabel National Science High School-SAKAFIL and The Teacher’s Notebook